Lunes, Disyembre 5, 2011

Pamamanhikan


Isang gabing maulan, na napuno bigla ng kasiyahan,
Tuwa at galak ang aking naramdaman,
Sa ating kultura na ang tawag pamamanhikan,
Ating tuklasan ang ating kultura na puno ng kagandahan,

Nabubuhay tayo sa modernong panahon,
Mga kagawian noon, nabaon nalang sa limot ng kahapon,
Mga kagawian sa kultura ng pinoy na nag papaganda,
Na namana pa natin sa ating mga lolo at lola,

Ngunit ang nakakabahala,
Patay na sa puso ng mga bata,
Ang mga kultura na masagana,
Nababasa nalang sa mga talata,

Sa kanayunan, uso pa ang pamamanhikan,
Isang magandang kaugalian kung saan,
Ang lalaki kasama ang kanyang pamilya't mga kaibigan,
Hingin ang kamay ng babae sa kanilang tahanan,

Mag haharap ang mga magulang,
Pakikipag usap ng magalang,
Upang suportahan ang anak,
Sa maganda nyang balak,

Mag uusap kung ano ang magiging plano,
Ng mga anak nilang nag mamahalan ng todo,
Parang fiesta, lahat imbetado,
Sa pamamanhikan na napaka sagrado,

Sagrado sa mga may planong mag asawa na,
Mag sasama hanggang sa uling hininga,
Mag tataguyod ng isang magandang pamilya,
Ang saya diba? Na iimagine mo ba?

Subalit sa kasamaang palad,
Sa ngayong panahon ito'y parang nilipad,
Biglang ihip ng hangin kultura'y sumadsad,
Parang isang daing na hinayaang mabilad,

Mabulok, matakpan ng panibanggong dahilan,
Buntis na kasi si Nene kaya si Totoy napilitan,
Na pakasalan, mag sama, nag pakasarap sa kama,
Pangarap ng dalawang bata, nag laho nalang bigla.

Ito na daw ang bagong uso sa panahon ngayon,
Wala na ang pamamanhikan, panglalandian na ngayon,
Na nauuwi sa maraming problema ng panahon,
Bakit kaya ganun?

Kung saan libre ang edukasyon,
Na hindi naman uso noong unang panahon,
Ngayon pa naging mangmang,
Ang mga tao na dapat ay may alam,

Nag susulputan na ang maraming batas,
Na mag kokontrol sa pag laki nitong butas,
Ngunit maraming pang patalastas,
Gigising nalang tayo na ang kultura natin ay panas.

Isa na dito ang pamamanhikan,
Na magiging bahagi nalang ng ating kasaysayan,
Kaya sa mga nakakabasa na aking kaibigan,
At sa lahat ng may mga ka - ibigan.

Ang kulturang pamamanhikan,
Na gikan sa ating kanonunonuan,
Ay mas romantiko kapag/sa kadahilanan,
Walang pang laman ang kanya/iyong sinapupunan.

Huwebes, Nobyembre 24, 2011

Sino ang Igno?


Heto na naman ako mag aariba,
Mga salitang naisip ko lang kanina,
Mga aristang palaging laman ng intriga,
Dahil sila ay may sariling kultura,
Na bago sa iba,
Kaya hindi tanggap, nabibigla pa,
Cuture shock kung baga,
Di nya lang alam na ngayon ay normal na,
Nakakulong pa kasi sa sinaunang kultura,

Kawawa naman hindi updated,
Istilong nakasanayan na ngayon ay outdated,
Na hindi na aplicable,

Kaya sa kanyang panahon unacceptable,
Hoy gising! Kung sino ka man!
Kukunot ang nuo mo kung nag babasa ka man,
Sa henerasyon ngayon ikaw dapat ang mag adjust,
Sa mga gawaing panibago sayo ang labas,
Acceptance is a must,
Walang anumang patalastas,
Hindi kami ang dapat mag adjust,

Ang dami mong sinabi,
Ikaw dito ang ignorante,
Oo tama ka noon yun,
Pero iba na ang panahon ngayon.
Intindihin nalang daw sabi ng iba,
Dahil nakakulong pa sya sa sinaunang dekada,
Kaya hindi nakakapag taka,
Kung tatanda kang binata o dalaga,
Kasi sa panahon ngayon……..
Ig,no,ran,te, ka!

Linggo, Nobyembre 20, 2011

Masarap ma Inlove


Masarap ma inlove,
Happiest thing that I have,
Halo halong mga emotion,
Gaano man kahirap ang equation,
Palaging mayroong solution,
Minsan masaya, minsan nakakairita,
Hindi maiiwasang, ikay mataranta,
Pag sya dumating na,
Tibok ng puso'y lalaka bigla,
Sabay siko ng mga kasama,
Pre, anjan na sya,
Kahit kinikilig ay pinipigil pa,
Tapos biglang mamumula ang muka,
Kaya naman nahahalata.

Masarap ma inlove,
Lalong lalo na pag,
Pareho kayong masipag,
Di lang sa pag aaral,
Pati na din sa pagdarasal,
Kasi ang relasyon nyu bawal,
Parang larong hide and seek,
Masaya na nakakakaba,
Pag nahuli, biglang tatawa,
Bitiw ng kamay, hiwalay bigla,
Makakasalubong sa tito o si tita,

Masarap ma inlove,
Tumatalas ang pakiramdam,
Malayo palang biglang alam,
Kung sino ang makakasalubong,
Pag nadaanan mag tatalukbong,
Ng muka para hindi masumbong,
Kay ma o kay pa,
Dahil mga bata pa,
Pero kahit na,
Kung gusto talaga,
Walang  makakapigil sa kanila,
Kung saan saan pa nakakapunta,
Sa kabila ng pressure ay ang saya,

Masarap ma inlove,
Mga away na walang katumbas,
Mga luhang iyong pinupunas,
Na nag papatibay ng relasyon,
Nabaling lang sa iba ang atensyon,
Parang mga batang napag iwanan,
Depress, depresan,
Iyak iyakan,
Na nauuwi sa lambiga,
Tawanan sa huli,
At mag aasaran, Mag hahabulan,
Kurutan, Pag nahuli, 
Mag papacutan

Masarap ma inlove,
Mag celebrate ng monthsaries,
At bonggang aniversaries,
May pa surprise surprise effect,
Sweet parin kahit na may defect,
Mga numerong ibat iba ang efect,
Date pala kung kailan sila naging.
Overnight na texting,
Wag lang maki pag fling,
Sa iba kundi yari ka,
Parang isang dragon na,
Nakalabas sa kanyang lungga,
Handang bumuga ng apoy,
Ilulubog sa kumunoy,
Nakasimangot na mga "ngudoy",
Sa sakit ng kurot mapapasigaw ng" adoy!"

Mga trip na kung ano ano,
Basta magkasama,
Maraming natututunan sa bawat isa,
Sa hirap man o sa ginhawa,
Nag tutulungan sa mga problema,
Kwentuhan hanggang umaga,
Hinding hindi nakakasawa,
Plano pag sila'y mag aasawa,
Ilang anak ang gusto nila,
At kung ano ano pa,

Magandang balik balikan,
Pag hahatid pagkatapos ng klasehan,
Habang nasa daan,
Pauwi sa tinitirhan,
Kwentohan ng mga kaibigan,
Biglang buhos ng ulan,
Walang alinlangan,
Maliligo ng sabay,
Sa kabila ng lamig na taglay,
Okay lang magkasakit,
madulas man o malagkit,
Lalo na pag kayo ay sabay,
That is the reason why,
Masarap ma inlove.........Hay...

For Adults Only!


Una sa lahat, gustong mag mura,
Isigaw ang salitang P@#$%^ I*(!!
Sa mga taong nag bitaw ng salita,
Na masyado namang halata,
Matatalim ang bunganga,
Ngata lang ng ngata,
Di naman alam ang tunay na balita,

For adults only,
Siguradong mag woworry,
Ang mga nakakabasa,
Ito'y isang ubra maestra,
Sasakit ang iyong mga mata,
Kukunot ang noo,
Bibilis ang tibok ng puso,

Ito'y para sa mga taong,
Mahihilig mag bintang,
Sa mga gagong,
Nagsasalita na walang alam,
Maraming beses ng nangyari,
Ang modus operande,
Parang sirang plaka,
Paulit ulit na,
Nakakainis, nakakasawa,
Ang sarap basagin ng muka,

Akala mo kung makapagsalita,
Totoo ang nasagap na balita,
Di pa nga alam ang estorya,
Nanghuhusga agad ng kapwa,
Kaya sa mga nakakabasa jan,
Pochikos ay masyadong nasaktan,
Alam ko ito'y isang malaking kalokohan,
Gusto ko lang ilabas ang ka bobohan,
Ng taong hindi ko naman kalaban,

Likas na ata sakin ang mapagbintangan,
Palagi nalang, dati'y nauuwi sa pikunan,
Pero ng nasanay na,
Aking pinapabayaan,
Minsa pa nga para tumigil na,
Kasalanang binibintang,
Inaamin nalang,
Yun ang madalas na nangyayari,
Ako nalang kasi palagi,
Isa pang talento ko,
Ang pag amin sa kasalanan,
Na ang iba ay,
Hanggang ngayon pinag dudusahan,

Pero sa panahong to,
Kung saan, stress at problemado,
Makakatikim ang hinayupak na to,
Ng matitinding salita na aking ibabato,
Magpapaka tarantado,
Kumukulo ang aking dugo,
Sa mga bintangera't bentangero,

Kabwisit talaga,
Nakakasira ng umaga,
Bago mag salita,
Alamin muna ang balita,
Si Pochikos ay di ganun ka bobo,
Para di ma gets mga sinasabi mo,
Sana bago nag salita,
Nag tanong ka na muna,
Nag confirm muna sana,
Para patas naman diba?
Pano ka nakakasiguro,
Na ang sinabi sayo totoo gago.

Magkaibigan naman sana tayo,
Ang pagtatanong ay hindi naman malayo,
Mabait akong kaibigan,
Masarap akong ka-ibigan,
Pero traydor akong akaaway,
Mag tago ka na Inday,
Sa inis ni Pochikos
Mawawarak pati puday,
Humanda ka,
Pag ako namula,
Binibintang mo sa akin,
Ay gagawin ko na,
Ayan na sabi ko na.
I'm such a bard, so
.,!,. Very Very Hard!

Linggo, Nobyembre 13, 2011

Paranormal Activity 3

Nakakatakot, nakakagulat,
Ang aking mata di kayang dumilat,
Tumingin sa screen,
Nakakatawa hitsura ko na imagine ko sa salamin,
Paranormal Activity 3, maganda,
Feel na feel ko, horror talaga,
Iba't ibang pustura,
Aking nagawa.
Parang bading,
Sa gulat ko ako'y napapa cramping.

Napasigaw, kahit wala namang halimaw,
Sa paranoid na katulad ko ang lahat ay malinaw,
Malinaw pa sa araw, hindi makakalimutan,
Mga pangyayari nakatatak pa sa puso't isipan,
Kaya bigla kong napag disisyunan,
Eh blog ang aking nararamdaman,

Ramdam ko hanggang ngayon,
Sakit ng kahapon,
Dahil sa pelikulang ito,
Ang nangyari sa nakaraang panahon,
Biglang nawala ang aking kunsentrasyon,
Sa panonood ng movie,
Na alala ko ang dati,

Di ko talaga makakalimutan,
Pag paranormal activity na ang pinag usapan,
Ang aking nagawang katangahan,
Upang maisalba ang pag ibig na matagal na pinag ipunan,
Sinakripisyuhan ng karamihan,
Na biglang nawala na parang bula,
At naging alaala nalang bigla,
Dahil sa di makatutuhanang kadahilanan,

Haiz, nakakalungkot na tuloy,
Ang sine ipag patuloy,
Kung pwede lang sanang umalis,
Kaso mga kasama makakamalis…
Ya. Sa akin at baka mainis….lang
 at ang bayad ay masasa…yang.
Utak ko'y nag lalaro….lang
Mga salitang lumalabas ay "bara…..sang".

Habang nag tatakutan,
Kung pwede lang takpa ang aking harapan,
At sumilip sa maliit na butasan
Ng kamay,
Ako'y walang ka malay malay,
Sa mga bagay bagay,
Mga pangyayari sa aking buhay,

 Akala ko na get over ko na,
Ako'y mali, hindi pa pala,
Dahil sa nakakatakot na pelikula,
Na realize ko na may natira pa,
Na kunting kaba,
Sakit na nadarama,
Sa mga oras na ito naaalala ko pa,
Ang aking ginagawa sa labas nila,
Nag papakatanga,
Nag bakasakaling maibabalik ko pa,

Huli na ng nalaman ko,
Umaga na pala, biglang nawala sa kamalayan ko,
Ang oras, sa pag hihintay sa labas,
Kahit na mejo marami ang patalastas,
Ang pag suntok ko sa buwan,
Ang resulta'y umuwing luhaan,

Si Totoy, parang isang palaboy,
Nakasakay sa jeep, parang isang abnoy,
Nag pipigil ng luha, at sipon na amoy na amoy,
Ang sakit na nadarama, katabi ay nag tataka,
Praning na parang pinalayas,
Tulala at biglang nakalagpas,
Sa bababaan, nag lalakad luhaan,
Na parang isang bata, na nadapa sa daan.
Buti nalang walang tao,
Si Totoy matigas ang puso,
Ayaw nyang nakikita syang lumuluha,
Pagkat masiyahin syang bata,
"Bata batuta, sumpay muta",
Bago matulog nakakaawa,
Di maubos ubos na pag buhos ng luha,
Ng kawawang si Totoy, para ng bading.
Halos madurog ang kamao kakasuntok sa dingding,
Nasira ang singsing, napabitiw ng sumpa,
Na pag gising sa umaga sila naman ang luluha,

Kaya di ko talaga makakalimutan,
Paranormal activity na movie di lang katatakutan,
Ang naidudulot sakin kundi ang aking katangahan,
Na kapag naaalala ko, ginagawang katatawanan,
Ang sarili sa kabila ng kabiguan,

Ngayon, ewan ko,
At biglang napa blog ako,
Nag lalaro na naman kasi sa utak ko,
Ang aking nararamdaman,
Sa aking puso at isipan,
Sus! Si Pochikos nag drama na naman,
Ang sarap batukan,
Ng sarili, ako'y nandidiri,
Pag tingin ko sa aking mga daliri,
Na may mga kilay.... Yaks!
Ang haba na nang nasulat ko….. Naks!
Gumana isip ko to the…..max.

Hanggang dito nalang sirugo muna ang,
Aking maisususlat na nag sasabi ng,
Katutuhan, sa aking nararamdaman bi...lang,
Ako, totoo sa sarili ko sa mga kata….gang
Naibibigas, naisusulat ha…..bang,
Kumakain ng cup cake, u….pang,
Maiwasan ang stomachache, sa so…brang
Crampingan dahil sa paranormal activity 3 na yan,
Na nag pa alala sa kung paano nasimulan,
Ang sugat na ngayon  peklat na. Hanep yan.  

Biyernes, Nobyembre 11, 2011

Pensamiento Irracional

Isang gabi,
Habang nilabhan ay tinutupi,
May mga nag lalaro sa aking isip,
Hindi ito isang panaginip,
Mga salitang kumakabig,
Na gustong ibigkas ng aking bibig,
Kaya binuksan ko ang computer,
Nag encode na parang isang writer,
Gusto ko lang ibahagi sa lahat,
Upang mga mata ay mamulat,
Sa mga nangyayari sa lipunan
Lalo na sa departamento
Na ating pangalawang tahanan

Gusto kong simulan,
Sa mga studyanteng nakaharang sa daan,
Lalo na pag sapit ng hapon,
Nakakaawa ang kanilang sitwasyon.
Iba't iba ang kanilang posisyon,
May naka upo, may naka dapa,
Nakaluhod, skwat, nakatihaya,
Meron na ding gustong ng mahiga
Naka indian sit, tuwid at baloktot na katawan,
Nag bubulag bulagan ang mga kinauukulan,
Lalong lalo na kung dinadaanan.

Imposibleng hindi nakikita,
Naka tambay sa gilid, nakakaawa,
Parang mga pulubi sa kalsada,
Na pinalayas sa kani kanilang mga lungga,
Nakikita sana ang resulta,
Ng bago nating polisiya.
Unang rason"daw",
Makatipid sa kuryente,
Na kinukunsumo natin sa araw-araw.

Oh! Wow! Magandang pakinggan,
Tama naman at may katwiran.
Pero napapansin nyu ba?
Na outlets sa hallway ay puno parin baga.
Wala namang pinag bago,
Sa labas man o loob ng room.
Nag lolokohan lang ba tayo?

Hoy gising mga kapatid!
Sa panahon ngayon tayo ay mag tipid.
Malaki ang epekto ng budget cut,
Kahit natitirang resources, pinag kakait na sa lahat,
May pera ka man o salat,
Basta pag sapit ng 5:00pm sarado ang lahat.
Lahat dito pantay pantay,
Ang pwet at likod kailangang masanay,
Kasabay ng pag baloktut ng katawan,
Ang bagong sistemang masakit sa kaluoban.

Pangalawang rason "daw",
Sa pag sara ng rooms pag palubog na ang araw,
Madumi daw kasi pagkatapos gamitin,
Di man lang daw muna linisin.
Tama ulit! Walang sabit!
Ang mga estudyanteng makukulit,
May ka dugyutan na kakabit.
Aba! Mahiya naman tayo mga kapatid,
Pangalawang tahanan natin,
Kalinisan ay panatilihin.
Malay nyu biglang mag bago, ayee!
Kunti nalang ang babayaran natin sa janitorial fee!

Nakakatawa diba?
Aagawan pa natin ng trabaho si kuya,
Pero tama naman baga!
Alam na nakakalat, ideretso na sa basura!
Wag ng mag hintay na utusan pa,
Dahil hindi ka dito Don o Donya!
At pag sapit ng alas singko, lumayas ka na!
Estudyante sa department ay bawal na.
Nakakalungkot diba?
Kailangan nating umalis,
Kung sakaling kailangan nating mag praktis,
Sa mga group assignments,
At mga group requirements.

Kanya kanya na tayong diskarte kung saan,
Di naman "daw" kasi for academic purposes ang ginagawa,
Kung iisipin kasi ang kaligtasan,
Ng mga estudyanteng lalabas pa,
Masyadong delikado sa daan.
Meron lang naman kasing pwedeng gamitin,
Mas mahalaga ata kaysa sa mga buhay natin.
Total nasa labas na man tayo,
So, ibig sabihin wala na silang saklaw dito,
Hindi na nila tayo kargo,
Kung ano man mangyari sa atin,
Kasalanan na natin, wala silang sasaluhin,
Ngunit, pero, datapwat, subalit,
Kung uusiin and dahilan kung bakit,
Ay sus! lahat parin tayo sabit.
Dahil sa walang ibang pwedeng magamit,
Sa pag gawa ng mga kailangan e-submit.

Masyadong negative ang concept alam ko,
Pero pwedeng mangyari ang mga ito,
Mag hihintay pa ba tayo ng sample para dito?
Susunod na kay Laesybil Lim Almonacid,
She may rest in peace and lets pray for her mga kapatid.

Mga nakakabasa  dyan sa gilid gilid,
Na ang kaligtasan ng mga studyante'y ipagpapalit sa pag titipid.
Ayusin na habang maaga pa,
Ang baluktot na systema nawa'y maiunat na,
Simpleng bagay, pwedeng resulta ay maganda,
Ngunit kung ang kapalit naman nito'y,
Kaligtasan ng karamihan, abay mag hunos dili ka,
Sa pag gawa ng bagong polisiya,
Mag isip - isip ka muna.
At may partisipasyon ang studyante sana?
Para patas naman,
At di nahahaluan,
Ng pang sariling motibo diba?

Kaso ang problema,
may inconsistency sa mga sinasabi,
reblocking every sem noon,
sa lahat ng year level sa kahit anong panahon,
pero ngayon, ano na?
3rd year students lang ang naiba?
ano ang dahilan? nakakapag taka,
Mga artista ba sila?
Mga imatures daw kasi at may mga attitudes ika nila,
Kaya yun ang solusyon na naisip nila.
Bakit kaya ganoon?
Di nag reblock ang nasa ibang taon?
Di naman po ata patas yun,
Asan na ang kridibilidad ng mga binitawang salita noon?

Nakakainis na nakakatawa,
Dahil sa mga pang yayari nahahalata sila,
Kung ano ano ang mga ginagawa,
Makakarinig ka pa ng mga masasakit na salita.
Sabi nga sa kasabihan,
Ang mga taong kung ano ano ang sinasabi sayo,
Ay mga ingitera't mga ingetero!
Nakakainggit naman talaga,
Talagang masakit sa mata,
Ang makitang masaya ang iba, 
Tapos ikaw nasa gilid gilid nakakakita,
Kaya kung ano ano ang mga ginagawang paraan,
Para lang matigil ang kasiyahan,
Upang di masyadong maramdaman,
Kainggitan na dumadaloy sa buong katawan! 

Boom! sapol! tagos hanggang buto,
Mga salitang aking nabato,
Kaya bato bato sa langit,
Ang tamaan siguradong papangit,
Siguradong magagalit,
Tamaan ka sana na malupit,
Upang malunasan ang iyong sakit na.......
Inggit!