Linggo, Nobyembre 20, 2011

Masarap ma Inlove


Masarap ma inlove,
Happiest thing that I have,
Halo halong mga emotion,
Gaano man kahirap ang equation,
Palaging mayroong solution,
Minsan masaya, minsan nakakairita,
Hindi maiiwasang, ikay mataranta,
Pag sya dumating na,
Tibok ng puso'y lalaka bigla,
Sabay siko ng mga kasama,
Pre, anjan na sya,
Kahit kinikilig ay pinipigil pa,
Tapos biglang mamumula ang muka,
Kaya naman nahahalata.

Masarap ma inlove,
Lalong lalo na pag,
Pareho kayong masipag,
Di lang sa pag aaral,
Pati na din sa pagdarasal,
Kasi ang relasyon nyu bawal,
Parang larong hide and seek,
Masaya na nakakakaba,
Pag nahuli, biglang tatawa,
Bitiw ng kamay, hiwalay bigla,
Makakasalubong sa tito o si tita,

Masarap ma inlove,
Tumatalas ang pakiramdam,
Malayo palang biglang alam,
Kung sino ang makakasalubong,
Pag nadaanan mag tatalukbong,
Ng muka para hindi masumbong,
Kay ma o kay pa,
Dahil mga bata pa,
Pero kahit na,
Kung gusto talaga,
Walang  makakapigil sa kanila,
Kung saan saan pa nakakapunta,
Sa kabila ng pressure ay ang saya,

Masarap ma inlove,
Mga away na walang katumbas,
Mga luhang iyong pinupunas,
Na nag papatibay ng relasyon,
Nabaling lang sa iba ang atensyon,
Parang mga batang napag iwanan,
Depress, depresan,
Iyak iyakan,
Na nauuwi sa lambiga,
Tawanan sa huli,
At mag aasaran, Mag hahabulan,
Kurutan, Pag nahuli, 
Mag papacutan

Masarap ma inlove,
Mag celebrate ng monthsaries,
At bonggang aniversaries,
May pa surprise surprise effect,
Sweet parin kahit na may defect,
Mga numerong ibat iba ang efect,
Date pala kung kailan sila naging.
Overnight na texting,
Wag lang maki pag fling,
Sa iba kundi yari ka,
Parang isang dragon na,
Nakalabas sa kanyang lungga,
Handang bumuga ng apoy,
Ilulubog sa kumunoy,
Nakasimangot na mga "ngudoy",
Sa sakit ng kurot mapapasigaw ng" adoy!"

Mga trip na kung ano ano,
Basta magkasama,
Maraming natututunan sa bawat isa,
Sa hirap man o sa ginhawa,
Nag tutulungan sa mga problema,
Kwentuhan hanggang umaga,
Hinding hindi nakakasawa,
Plano pag sila'y mag aasawa,
Ilang anak ang gusto nila,
At kung ano ano pa,

Magandang balik balikan,
Pag hahatid pagkatapos ng klasehan,
Habang nasa daan,
Pauwi sa tinitirhan,
Kwentohan ng mga kaibigan,
Biglang buhos ng ulan,
Walang alinlangan,
Maliligo ng sabay,
Sa kabila ng lamig na taglay,
Okay lang magkasakit,
madulas man o malagkit,
Lalo na pag kayo ay sabay,
That is the reason why,
Masarap ma inlove.........Hay...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento