Lunes, Disyembre 5, 2011

Pamamanhikan


Isang gabing maulan, na napuno bigla ng kasiyahan,
Tuwa at galak ang aking naramdaman,
Sa ating kultura na ang tawag pamamanhikan,
Ating tuklasan ang ating kultura na puno ng kagandahan,

Nabubuhay tayo sa modernong panahon,
Mga kagawian noon, nabaon nalang sa limot ng kahapon,
Mga kagawian sa kultura ng pinoy na nag papaganda,
Na namana pa natin sa ating mga lolo at lola,

Ngunit ang nakakabahala,
Patay na sa puso ng mga bata,
Ang mga kultura na masagana,
Nababasa nalang sa mga talata,

Sa kanayunan, uso pa ang pamamanhikan,
Isang magandang kaugalian kung saan,
Ang lalaki kasama ang kanyang pamilya't mga kaibigan,
Hingin ang kamay ng babae sa kanilang tahanan,

Mag haharap ang mga magulang,
Pakikipag usap ng magalang,
Upang suportahan ang anak,
Sa maganda nyang balak,

Mag uusap kung ano ang magiging plano,
Ng mga anak nilang nag mamahalan ng todo,
Parang fiesta, lahat imbetado,
Sa pamamanhikan na napaka sagrado,

Sagrado sa mga may planong mag asawa na,
Mag sasama hanggang sa uling hininga,
Mag tataguyod ng isang magandang pamilya,
Ang saya diba? Na iimagine mo ba?

Subalit sa kasamaang palad,
Sa ngayong panahon ito'y parang nilipad,
Biglang ihip ng hangin kultura'y sumadsad,
Parang isang daing na hinayaang mabilad,

Mabulok, matakpan ng panibanggong dahilan,
Buntis na kasi si Nene kaya si Totoy napilitan,
Na pakasalan, mag sama, nag pakasarap sa kama,
Pangarap ng dalawang bata, nag laho nalang bigla.

Ito na daw ang bagong uso sa panahon ngayon,
Wala na ang pamamanhikan, panglalandian na ngayon,
Na nauuwi sa maraming problema ng panahon,
Bakit kaya ganun?

Kung saan libre ang edukasyon,
Na hindi naman uso noong unang panahon,
Ngayon pa naging mangmang,
Ang mga tao na dapat ay may alam,

Nag susulputan na ang maraming batas,
Na mag kokontrol sa pag laki nitong butas,
Ngunit maraming pang patalastas,
Gigising nalang tayo na ang kultura natin ay panas.

Isa na dito ang pamamanhikan,
Na magiging bahagi nalang ng ating kasaysayan,
Kaya sa mga nakakabasa na aking kaibigan,
At sa lahat ng may mga ka - ibigan.

Ang kulturang pamamanhikan,
Na gikan sa ating kanonunonuan,
Ay mas romantiko kapag/sa kadahilanan,
Walang pang laman ang kanya/iyong sinapupunan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento