Lunes, Abril 9, 2012

COUNSELING



Counseling ay hindi pala madali,
Kung saka sakali, bawal ang magkamali,
Sa pag tatanong, at mga sinasabi,
Sa dami ng rules, nawiwindang ako palagi,

"O Dios ko, ano na ang sasabihin ko?"
Mga linyang nabubuo sa utak ko,
Kabado habang mga tanong ay binabato,
 Wag sanang mahalata ng kleyente ko,
        
Unbelievable talaga, iba't ibang mga kwento,
Ng buhay, bawat isa ay makulay,
Wag lang mamangha masyado,
Kung ano, gaano, ilan at paano,

Nangyari ang mga bagay bagay,
Kahit nakakarelate ka, wag ka ng maingay,
Di ka pwedeng sumabay na parang press conference,
Pagkat pinag babawal yun, ang tawag ay transference.

Sa pag sasagawa ng counseling,
We should observe the levels of listening,
Parallel talks, ipinag babawal din,
Upang malinaw ang usapan, parang nag sasalamin.

"Everyone one of us dumaan sa mga ganyan" - universalization,
 "Ipagdasal nalang natin sa Dios" - spiritualization,
"Tama na, okay lang yan" - pacifying,
"Mali ka man kasi sa ginawa mo" - moralizing,

Levels of discounts ilang lang yun,
Meron pang dalawa, ano na nga ba yun?
Aha! Alam ko na, ang pag open up ng sarili,
Counter-disclosure kung tawagin, tandaan ng mabuti.

Isaalangalang ang abilidad ng kleyente,
Na meron silang silang kakayanan,
Na lutasin ang problema sa sarili,
Kaya solution advice giving ay iwasan.

Nasabi ko na ata lahat  ng mga dapat tandaan,
Para sa madali at produktibong usapan,
Madaling sabihin, madaling isipin, mahirap gawin,
Pag ikaw na ang nag sasalita, nakakawindang parin.

Go parin! kahit na nahihirapan,
Sa propesyong napili, ito ay kailangan,
Mahirap kasi nag sisimula palang naman,
Practice lang para gumaling sa ganitong larangan.

Tribute to Graduates 2012


Apat na taon na din pala ang nakalipas,
Ang bilis lang ng panahon no?
Parang kailan lang, second year palang kayo,
Busy busyhan, kaya akala namin mga suplada't mga suplado.

Minsan na ding nag clash ang iba sa inyo at sa amin,
Pero sa huli, nagkabati parin.
Ang iba nama'y naging close namin talaga,
Dahil sa congress na sobrang saya.

Naging saksi din kami sa inyong mga pagsubok,
Sa pag tulo ng inyong mga luha at mga tengang umusok,
Hindi nyo hinayaang grupo nyo'y bumulusok,
Bagkus lumalaban parin para malagpasan ang mga pagsubok.

Ngayon kami'y nag bibigay pugay sa inyo,
Tinitingala kayo at nag sasabing  "Ang gagaling nyo",
Kahit na ang iba'y hindi nakasabay,
Ngayon nandito ang iba sa kanila, para mensahe sa inyo'y ibigay…..

(video pasok!)

Bago kayo umalis, hayaan nyo kaming sabihin ang mga ito,
Salamat sa pagiging sandigan namin kung minsan,
Pag wala kaming handout, "ate/kuya pwede po pahiram naman?"
Pag hindi namin alam, "ate/kuya paano po ba to?"
Battery exam reviewers namin karamihan, galing sa inyo.

Alam naming magiging magtagumpay lahat sa inyo.
Sa pag tapos ng isang kabanata ng buhay ninyo,
Ay ang pag usbong ng panibagong bersikulo na tatahakin nyo,
From being Estudyante to being RSW.

Naway maging mas "oragon" pa kayo.
Kaya challenge namin sa inyo,
Maraming buhay ang matulungan ninyo,
At hindi makalimot lumingon sa pinanggalingan nyo.

Salamat dahil naging inspirasyon namin kayo,
Salamat dahil marami kaming natutunan dahil sa inyo,
Salamat at naging kaibigan namin kayo,
Salamat at naging mabuting kapatid kayo sa amin,
Salamat dahil sa college life namin, naging parte kayo,

Salamat ng Marami!
  
May you find strength to overcome challenges...
May you seek wisdom to do what is right…
May your heart be filled with compassion to touch other people's lives…
Go out to the world and win it!