Lunes, Abril 9, 2012

COUNSELING



Counseling ay hindi pala madali,
Kung saka sakali, bawal ang magkamali,
Sa pag tatanong, at mga sinasabi,
Sa dami ng rules, nawiwindang ako palagi,

"O Dios ko, ano na ang sasabihin ko?"
Mga linyang nabubuo sa utak ko,
Kabado habang mga tanong ay binabato,
 Wag sanang mahalata ng kleyente ko,
        
Unbelievable talaga, iba't ibang mga kwento,
Ng buhay, bawat isa ay makulay,
Wag lang mamangha masyado,
Kung ano, gaano, ilan at paano,

Nangyari ang mga bagay bagay,
Kahit nakakarelate ka, wag ka ng maingay,
Di ka pwedeng sumabay na parang press conference,
Pagkat pinag babawal yun, ang tawag ay transference.

Sa pag sasagawa ng counseling,
We should observe the levels of listening,
Parallel talks, ipinag babawal din,
Upang malinaw ang usapan, parang nag sasalamin.

"Everyone one of us dumaan sa mga ganyan" - universalization,
 "Ipagdasal nalang natin sa Dios" - spiritualization,
"Tama na, okay lang yan" - pacifying,
"Mali ka man kasi sa ginawa mo" - moralizing,

Levels of discounts ilang lang yun,
Meron pang dalawa, ano na nga ba yun?
Aha! Alam ko na, ang pag open up ng sarili,
Counter-disclosure kung tawagin, tandaan ng mabuti.

Isaalangalang ang abilidad ng kleyente,
Na meron silang silang kakayanan,
Na lutasin ang problema sa sarili,
Kaya solution advice giving ay iwasan.

Nasabi ko na ata lahat  ng mga dapat tandaan,
Para sa madali at produktibong usapan,
Madaling sabihin, madaling isipin, mahirap gawin,
Pag ikaw na ang nag sasalita, nakakawindang parin.

Go parin! kahit na nahihirapan,
Sa propesyong napili, ito ay kailangan,
Mahirap kasi nag sisimula palang naman,
Practice lang para gumaling sa ganitong larangan.

Tribute to Graduates 2012


Apat na taon na din pala ang nakalipas,
Ang bilis lang ng panahon no?
Parang kailan lang, second year palang kayo,
Busy busyhan, kaya akala namin mga suplada't mga suplado.

Minsan na ding nag clash ang iba sa inyo at sa amin,
Pero sa huli, nagkabati parin.
Ang iba nama'y naging close namin talaga,
Dahil sa congress na sobrang saya.

Naging saksi din kami sa inyong mga pagsubok,
Sa pag tulo ng inyong mga luha at mga tengang umusok,
Hindi nyo hinayaang grupo nyo'y bumulusok,
Bagkus lumalaban parin para malagpasan ang mga pagsubok.

Ngayon kami'y nag bibigay pugay sa inyo,
Tinitingala kayo at nag sasabing  "Ang gagaling nyo",
Kahit na ang iba'y hindi nakasabay,
Ngayon nandito ang iba sa kanila, para mensahe sa inyo'y ibigay…..

(video pasok!)

Bago kayo umalis, hayaan nyo kaming sabihin ang mga ito,
Salamat sa pagiging sandigan namin kung minsan,
Pag wala kaming handout, "ate/kuya pwede po pahiram naman?"
Pag hindi namin alam, "ate/kuya paano po ba to?"
Battery exam reviewers namin karamihan, galing sa inyo.

Alam naming magiging magtagumpay lahat sa inyo.
Sa pag tapos ng isang kabanata ng buhay ninyo,
Ay ang pag usbong ng panibagong bersikulo na tatahakin nyo,
From being Estudyante to being RSW.

Naway maging mas "oragon" pa kayo.
Kaya challenge namin sa inyo,
Maraming buhay ang matulungan ninyo,
At hindi makalimot lumingon sa pinanggalingan nyo.

Salamat dahil naging inspirasyon namin kayo,
Salamat dahil marami kaming natutunan dahil sa inyo,
Salamat at naging kaibigan namin kayo,
Salamat at naging mabuting kapatid kayo sa amin,
Salamat dahil sa college life namin, naging parte kayo,

Salamat ng Marami!
  
May you find strength to overcome challenges...
May you seek wisdom to do what is right…
May your heart be filled with compassion to touch other people's lives…
Go out to the world and win it!

Linggo, Marso 25, 2012

Corny ako ngayon! Yey!


Ngayon ko na naman lang naramandaman to,
Masaya ako ngayon kaya napasulat ako,
Matagal na panahon ko na din gustong ma inlove,
Sa araw na to I feel it and I think I'm in love.

Nalilito ako, kasi sinabi ko sa sarili ko na ayaw ko na muna mag seryoso,
Baka ngayon lang to, mag sasawa din ako.
Pero sana sya na nga, gusto ko na din mag seryoso,
Kahit na malayo kami sa isat-isa alam kong kaya ko to.

Haiz. Ano ba to, basta ang alam ko happy ako,
Salamat sayo oh kambal ko.
Kinumpleto mo ang araw ko,
Pinasaya mo ako,
Pinatibok mo ulit ang puso ko,
Kaya ngayon corny na naman ako. Wahahaha.

Ang bilis lang talaga ng oras nakakinis,
Di ka pa umuuwi, bigla na kitang na miss,
I love your eyes and the way you smile,
I love the way you speak it makes me high.

Hay naku, corny ko na naman shit,
I hate this part but I want to express it.
Nag text na sya! special day daw to para sa kanya,
Haiz. Mas special day to para sakin kung alam mo lang sana.

Buti nalang di sya napagalitan,
Dahil ginabi na kaming kakakwentuhan,
Pero balik ako sa nararamdaman ko,
Gusto ko sya, sure na sure na ako.

Gusto ko pa syang makilala ng husto,
Makasama ng mas matagal,
Makitang naka simangot, galit. :)
Lahat! Gusto ko syang makilala pa. wew! 

Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ako ang simula!



Ako ang simula!
Kakapalan ko na aking muka,
Baka sakaling mapansin ng madla,
Gamit ang mga tugmang salita.

Ulan sa labas, ulan sa loob,
Kung pa dugyutan ang labanan,
Lahat ng department taob,
Nakakasama lang ng loob.

Sa loob ng silid aralan,
Pinapasok parin ng ulan,
Mga baldeng nag kalat sa daan,
Katapat ng mga butas na bubungan,

Mga kisameng may guhit ng mga mapa,
Para bang itoy nag babanta na,
At galit na galit na nag sasalita ng,
"Diosmio! kung hindi pa umulan ng todo hindi nyu ako mapapansin dito."

Sa Social Work Department ganito ang sitwasyon,
Ngunit top school parin sa buong nasyon,
Sana mapansin ng mga nasa posisyon,
Upang agad agarang mabigyan ng aksyon,





Huwebes, Enero 26, 2012

MARK

(Intro)
Ohhhh... Yeah...
Oh noooooo....

(Chorus)
Now that I loved yah,
And tell you that I love yah,
What did you did to me?
Broke my heart that marks for the rest of my life.

I miss the time when i kiss yah,
All the things that I love yah,
What did you give me?
Broke my heart that marks for the rest of my life.

(I)
I miss the time when you care,
That last for half and a year,
Into the spare, 
So you don't care, 
but as my woman i will be there.

(II)
I remember the things that you said on me,
I remember the smile that tickles on me,
I can feel it, you make me feel it,
Oh I really really miss it.

(Chorus)
Now that I loved yah,
And tell you that I love yah,
What did you did to me?
Broke my heart that marks for the rest of my life.

I miss the time when i kiss yah,
All the things that I love yah,
What did you give me?
Broke my heart that marks for the rest of my life.
What did you give me?
Broke my heart that marks for the rest of my life.

Miyerkules, Enero 11, 2012

ELMER (Bersyon ko)
Monday, January 09, 2012
6:23 PM
 (Inspired by Gloc 9 to the tune of the song Elmer)


Ito ang kurso ko na hindi basta basta,
Handa kaming tumulong kaya wag kang aasta,
Bago ko simulan
wag magkalimutan
Walang aatrasan
Manggagawang panlipunan,

(Chorus)

Wag kang maniniwala sa paligid mo (Alamin ang totoo)
Mga naririnig at nakikita mo (Astig ang kurso ko)
Piliin mo ang iniidolo (Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas (Sa Social Worker  sa Pinas)

(I)
Kumusta ka na Idol Ako nga pala si Elmer,
Ikaw ang aking idol, Idol ko na Social Worker,
Mula nang marinig ko pasalita mo sa mga tao,
Ako ay na aliw nung naging kleyente mo pako,

May bago ka bang picture? Penge naman ng kopya,
Meron ako nung luma ang kaso nga lang kupas na,
May secreto pala ako marunong din akong mag rap,
Gusto mo ipadinig ko sa'yo? Wag kang kukurap,

Dahil ikaw ang idol ko, gusto ko din maging matikas,
Bihira lang kasi ang social worker sa Pilipinas,
Sa galing mong mag salita, may problema ka pa ba?
Sa kakulitan ko lang dati may pasensya ka pa ba?
Sana meron pa, kasi baka sakali,
May gang doon sa amin, susubukan kong sumali.

Basta tandaaan mo lang ang pangalan ko ay Elmer,
Ikaw ang aking idol,Idol ko na Social Worker

(Chorus)

Wag kang maniniwala sa paligid mo (Alamin ang totoo)
Mga naririnig at nakikita mo (Astig ang kurso ko)
Piliin mo ang iniidolo (Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas (Sa Social Worker  sa Pinas)

(II)
Idol anong balita buti nakita kita,
Anong ginagawa mo dito may dadalawin ka po ba?
Nakita mo ba'to ang mga bago kong tatoo?
Mas maangas daw ang preso pag marami kang tatoo,

Astig ang dating isa pa in ka,
Nasangkot ako sa isang away naka sak-sak pa,
Kasi sumali ako sa isang rumble ng mga gangster,
Gusto ko maging the best at masabay sa kanilang label,

"Ilan ba ang namatay?" Siguro mga singkwenta,
Binigyan kami ng droga para daw aming ibenta,
Medyo malabo ang sabi nya, may free taste pa,
Eh bakit kami lang ang inutusan nya?
Ah baka naman busy lang,
Kaya pare easy lang,
Kasi mga baguhan lang kaya di na ako nagbilang,

Pero sana maalala mo ang pangalan ko'y Elmer,
Ikaw ang aking idol, idol ko na Social Worker

(Chorus)

Wag kang maniniwala sa paligid mo (Alamin ang totoo)
Mga naririnig at nakikita mo (Astig ang kurso ko)
Piliin mo ang iniidolo (Mga ginagawa't binibigkas)
Dahil pag-usad ay hindi ganun kadulas (Sa Social Worker  sa Pinas)

Ito ang kurso ko na hindi basta basta
Handa kaming tumulong kaya wag kang aasta
Bago ko simulan
wag magkalimutan
Walang aatrasan
Manggagawang panlipunan.

Linggo, Enero 8, 2012

LOZERS

(Chorus)
Loser ba talaga ang buhay nyu kawawa na,
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka.

(I)
Akalain mo nga naman, 
Dahil kami na naman,
Ang mananalo sa laro na to,
Sige simabay ka, todo na to.
Ang tulang ito'y hinahandog sa mga katulad nyung palaging talo,
Sa mga laro na tunay,
gusto nyung manalo pero kami ang matibay,

(II)
Loser na, hinaluan ng mga lampa,
Magaling lang kumain at walang tira,
Kapag natatalo ay biglang umaapila,
Puro lang salita pero walang ibubuga,
Loser kayo! Yan ang masasabi namin sa inyo,
Mga Kapatid na palagi naming nagugulpi, 
Ng mga katulad naming matitindi.

(III)
Talunan na naman kayo at,
Ang masasabi lang namin sa inyo... Pwe!
Ayusin naman ninyo,
Dahil talunan na naman kayo... Tse!
Parang kami'y namamasyaal sa Luneta,
Kayo'y taga dala ng aming maleta,
Mga estilo nyung di na mabenta,
Parang damit na walang etikita.

(IV)
Ang kapalaran nyong palaging bokya,
Na parang exam na di makakopya,
Sa teacher na gaya kay madam Vida,
Na ang grades nyu ay palaging hopya.
Dibale, ganyan lang talaga ang buhay,
Parang sa tindahan ng ukay-ukay,
Ano man ang iyong gawin,
kapalaran nyo'y talo parin, yeah!

(Chorus)
Loser ba talaga ang buhay nyu kawawa na,
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka. 

(Bridge)
Di lamag ikaw ang loser talaga,
Timingin ka sa paligid mo,
Naryan lang, naryan lang.


(Chorus)
Loser ba talaga ang buhay nyu kawawa na,
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka. 


Loser ba talaga ang buhay nyu kawawa na,
Ganyan lang talaga ang buhay kaya kumapit ka.