Huwebes, Pebrero 2, 2012

Ako ang simula!



Ako ang simula!
Kakapalan ko na aking muka,
Baka sakaling mapansin ng madla,
Gamit ang mga tugmang salita.

Ulan sa labas, ulan sa loob,
Kung pa dugyutan ang labanan,
Lahat ng department taob,
Nakakasama lang ng loob.

Sa loob ng silid aralan,
Pinapasok parin ng ulan,
Mga baldeng nag kalat sa daan,
Katapat ng mga butas na bubungan,

Mga kisameng may guhit ng mga mapa,
Para bang itoy nag babanta na,
At galit na galit na nag sasalita ng,
"Diosmio! kung hindi pa umulan ng todo hindi nyu ako mapapansin dito."

Sa Social Work Department ganito ang sitwasyon,
Ngunit top school parin sa buong nasyon,
Sana mapansin ng mga nasa posisyon,
Upang agad agarang mabigyan ng aksyon,