Biyernes, Nobyembre 11, 2011

Pensamiento Irracional

Isang gabi,
Habang nilabhan ay tinutupi,
May mga nag lalaro sa aking isip,
Hindi ito isang panaginip,
Mga salitang kumakabig,
Na gustong ibigkas ng aking bibig,
Kaya binuksan ko ang computer,
Nag encode na parang isang writer,
Gusto ko lang ibahagi sa lahat,
Upang mga mata ay mamulat,
Sa mga nangyayari sa lipunan
Lalo na sa departamento
Na ating pangalawang tahanan

Gusto kong simulan,
Sa mga studyanteng nakaharang sa daan,
Lalo na pag sapit ng hapon,
Nakakaawa ang kanilang sitwasyon.
Iba't iba ang kanilang posisyon,
May naka upo, may naka dapa,
Nakaluhod, skwat, nakatihaya,
Meron na ding gustong ng mahiga
Naka indian sit, tuwid at baloktot na katawan,
Nag bubulag bulagan ang mga kinauukulan,
Lalong lalo na kung dinadaanan.

Imposibleng hindi nakikita,
Naka tambay sa gilid, nakakaawa,
Parang mga pulubi sa kalsada,
Na pinalayas sa kani kanilang mga lungga,
Nakikita sana ang resulta,
Ng bago nating polisiya.
Unang rason"daw",
Makatipid sa kuryente,
Na kinukunsumo natin sa araw-araw.

Oh! Wow! Magandang pakinggan,
Tama naman at may katwiran.
Pero napapansin nyu ba?
Na outlets sa hallway ay puno parin baga.
Wala namang pinag bago,
Sa labas man o loob ng room.
Nag lolokohan lang ba tayo?

Hoy gising mga kapatid!
Sa panahon ngayon tayo ay mag tipid.
Malaki ang epekto ng budget cut,
Kahit natitirang resources, pinag kakait na sa lahat,
May pera ka man o salat,
Basta pag sapit ng 5:00pm sarado ang lahat.
Lahat dito pantay pantay,
Ang pwet at likod kailangang masanay,
Kasabay ng pag baloktut ng katawan,
Ang bagong sistemang masakit sa kaluoban.

Pangalawang rason "daw",
Sa pag sara ng rooms pag palubog na ang araw,
Madumi daw kasi pagkatapos gamitin,
Di man lang daw muna linisin.
Tama ulit! Walang sabit!
Ang mga estudyanteng makukulit,
May ka dugyutan na kakabit.
Aba! Mahiya naman tayo mga kapatid,
Pangalawang tahanan natin,
Kalinisan ay panatilihin.
Malay nyu biglang mag bago, ayee!
Kunti nalang ang babayaran natin sa janitorial fee!

Nakakatawa diba?
Aagawan pa natin ng trabaho si kuya,
Pero tama naman baga!
Alam na nakakalat, ideretso na sa basura!
Wag ng mag hintay na utusan pa,
Dahil hindi ka dito Don o Donya!
At pag sapit ng alas singko, lumayas ka na!
Estudyante sa department ay bawal na.
Nakakalungkot diba?
Kailangan nating umalis,
Kung sakaling kailangan nating mag praktis,
Sa mga group assignments,
At mga group requirements.

Kanya kanya na tayong diskarte kung saan,
Di naman "daw" kasi for academic purposes ang ginagawa,
Kung iisipin kasi ang kaligtasan,
Ng mga estudyanteng lalabas pa,
Masyadong delikado sa daan.
Meron lang naman kasing pwedeng gamitin,
Mas mahalaga ata kaysa sa mga buhay natin.
Total nasa labas na man tayo,
So, ibig sabihin wala na silang saklaw dito,
Hindi na nila tayo kargo,
Kung ano man mangyari sa atin,
Kasalanan na natin, wala silang sasaluhin,
Ngunit, pero, datapwat, subalit,
Kung uusiin and dahilan kung bakit,
Ay sus! lahat parin tayo sabit.
Dahil sa walang ibang pwedeng magamit,
Sa pag gawa ng mga kailangan e-submit.

Masyadong negative ang concept alam ko,
Pero pwedeng mangyari ang mga ito,
Mag hihintay pa ba tayo ng sample para dito?
Susunod na kay Laesybil Lim Almonacid,
She may rest in peace and lets pray for her mga kapatid.

Mga nakakabasa  dyan sa gilid gilid,
Na ang kaligtasan ng mga studyante'y ipagpapalit sa pag titipid.
Ayusin na habang maaga pa,
Ang baluktot na systema nawa'y maiunat na,
Simpleng bagay, pwedeng resulta ay maganda,
Ngunit kung ang kapalit naman nito'y,
Kaligtasan ng karamihan, abay mag hunos dili ka,
Sa pag gawa ng bagong polisiya,
Mag isip - isip ka muna.
At may partisipasyon ang studyante sana?
Para patas naman,
At di nahahaluan,
Ng pang sariling motibo diba?

Kaso ang problema,
may inconsistency sa mga sinasabi,
reblocking every sem noon,
sa lahat ng year level sa kahit anong panahon,
pero ngayon, ano na?
3rd year students lang ang naiba?
ano ang dahilan? nakakapag taka,
Mga artista ba sila?
Mga imatures daw kasi at may mga attitudes ika nila,
Kaya yun ang solusyon na naisip nila.
Bakit kaya ganoon?
Di nag reblock ang nasa ibang taon?
Di naman po ata patas yun,
Asan na ang kridibilidad ng mga binitawang salita noon?

Nakakainis na nakakatawa,
Dahil sa mga pang yayari nahahalata sila,
Kung ano ano ang mga ginagawa,
Makakarinig ka pa ng mga masasakit na salita.
Sabi nga sa kasabihan,
Ang mga taong kung ano ano ang sinasabi sayo,
Ay mga ingitera't mga ingetero!
Nakakainggit naman talaga,
Talagang masakit sa mata,
Ang makitang masaya ang iba, 
Tapos ikaw nasa gilid gilid nakakakita,
Kaya kung ano ano ang mga ginagawang paraan,
Para lang matigil ang kasiyahan,
Upang di masyadong maramdaman,
Kainggitan na dumadaloy sa buong katawan! 

Boom! sapol! tagos hanggang buto,
Mga salitang aking nabato,
Kaya bato bato sa langit,
Ang tamaan siguradong papangit,
Siguradong magagalit,
Tamaan ka sana na malupit,
Upang malunasan ang iyong sakit na.......
Inggit!



2 komento: