Malungkot, masaya,
Ayan na ayan na,
Pag 26 ako'y
malungkot na,
Dahil sa mga
nangyaring hindi maganda,
At naging peklat na
sa aking ala-ala,
Na mahirap
kalimutan,
Masakit pakinggan,
Mahapdi sa
lalamunan,
Unti unting nawawala
ang kagwapuhan,
Akoy namamatay ng
dahan dahan.
Ngunit, subalit,
datapwat!
Kahapo'y salungat,
Sa mga nangyaring
bigat,
Parang isang alamat,
Na biglang
nagpabago,
Sa taong dating
tarantado
Na itatago natin sa
pangalang AKO
Tinamaan ng seryoso
Ng mahikang todo todo
Na may salamangkang
sagrado na
Malungkot na naging
masaya,
Halakhakang walang
bukas,
Kantahang wagas na
wagas,
Inuma na naman sa
wakas!
Na naging dahilan,
Ng pag babagong
biglaan,
Ang buwanang
kalungkutan,
Biglang napalitan ng
kasiyahan,
Aking nakalimutan,
Pait ng nakaraan,
Peklat na dulot ng
panahon,
Biglang nabaon,
Sa limot ng kahapon.
Salamat sa aking mga
kaibigan,
Na palaging nandyan,
Kalungkutan man o sa
kasiyahan,
Handa kang damayan,
Madaling lapitan,
Wag lang utangan.
Maraming salamat
din,
Sa parang nanay ko
na rin,
Na napaka unawain,
Lalo na pag dating
sa amin,
Mapagbigay,
masayahin,
Maganda, magaling,
Wag lang syang
galitin,
Sungay ay kaya kang
tusukin.
Maiba tayo ng
usapan,
Kagabi ang sarap ng
inuman,
Kantang nauuwi sa
sigawan.
Ganun pala talaga
pag lasing na,
Magagaling na mag
revive ng kanta,
Ang Over You screamo
na pala.
Dun ko lang yun
narinig,
Sarap sa bibig,
Masakit sa pandinig,
Pero ayos lang naman
yun,
Sa magkakaibigan
lahat MAGAYON,
Nasa Private room
naman kami,
Di naman naririnig ng nakararami,
Kasabay ng pag lalim
ng gabi,
Ang pag tulog sa
balikat ng katabi,
Pag takip ng mata
kasi,
Umiikot ang paligid,
Nakamukmuk na sa
gilid,
Tuloy parin walang
tigil,
Napaka sayang 26,
nakakagigil!
Sana maulit muli
Ang hindi ko
malilimutang sandali.
Kasama ang mga
kaibigang,
Nag bibigay sa akin
ng ngiti.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento