Lunes, Abril 9, 2012

Tribute to Graduates 2012


Apat na taon na din pala ang nakalipas,
Ang bilis lang ng panahon no?
Parang kailan lang, second year palang kayo,
Busy busyhan, kaya akala namin mga suplada't mga suplado.

Minsan na ding nag clash ang iba sa inyo at sa amin,
Pero sa huli, nagkabati parin.
Ang iba nama'y naging close namin talaga,
Dahil sa congress na sobrang saya.

Naging saksi din kami sa inyong mga pagsubok,
Sa pag tulo ng inyong mga luha at mga tengang umusok,
Hindi nyo hinayaang grupo nyo'y bumulusok,
Bagkus lumalaban parin para malagpasan ang mga pagsubok.

Ngayon kami'y nag bibigay pugay sa inyo,
Tinitingala kayo at nag sasabing  "Ang gagaling nyo",
Kahit na ang iba'y hindi nakasabay,
Ngayon nandito ang iba sa kanila, para mensahe sa inyo'y ibigay…..

(video pasok!)

Bago kayo umalis, hayaan nyo kaming sabihin ang mga ito,
Salamat sa pagiging sandigan namin kung minsan,
Pag wala kaming handout, "ate/kuya pwede po pahiram naman?"
Pag hindi namin alam, "ate/kuya paano po ba to?"
Battery exam reviewers namin karamihan, galing sa inyo.

Alam naming magiging magtagumpay lahat sa inyo.
Sa pag tapos ng isang kabanata ng buhay ninyo,
Ay ang pag usbong ng panibagong bersikulo na tatahakin nyo,
From being Estudyante to being RSW.

Naway maging mas "oragon" pa kayo.
Kaya challenge namin sa inyo,
Maraming buhay ang matulungan ninyo,
At hindi makalimot lumingon sa pinanggalingan nyo.

Salamat dahil naging inspirasyon namin kayo,
Salamat dahil marami kaming natutunan dahil sa inyo,
Salamat at naging kaibigan namin kayo,
Salamat at naging mabuting kapatid kayo sa amin,
Salamat dahil sa college life namin, naging parte kayo,

Salamat ng Marami!
  
May you find strength to overcome challenges...
May you seek wisdom to do what is right…
May your heart be filled with compassion to touch other people's lives…
Go out to the world and win it!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento